[…] “Mayroon akong mungkahi.” Sumandal iti tulad ng ginagawa ng kaibigan kong si April kapag gusto niyang magsabi ng sikreto, kahit na walang maganda sa kanyang mga sikreto.O kahit na talagang sikreto. “Kung hindi mo sasabihin kahit kanino na narito ako, pwede kong ayusin ang mga mata mo.”
“Umalis ka sa syudad!”
Kumurap ito ng ilang beses. “Iyon nga ang sinusubukan kong gawin.”
“Ang ibig kong sabihin ay hindi mo magagawa iyon!”
“Bakit hindi?”
“Ay, wala pang nakakapag-ayos ng mga mata ko, bukod sa may mga salamin.”
“Mayroon akong mga ilang abilidad. Makikita mo, basta…”
“…Hindi ko sasabihin kahit kanino ang tungkol sa iyo?”
“Iyun ang pinakapuso nito, iyon ang punto.”
“Paano ko malalaman kung hindi mo ako bubulagin? Maaaring isa ka doon sa mga telemarketers na gumagawa ng mga pangako pero ganap na nagsisinungaling.”
Nag-umpisa ito ng paglalagay ng sebo, aalisin ang sebo ulit. “Hindi ko gagawin ang bagay na ito sa isang nilalanag na walang ginawang masama sa akin.”
“Ibig sabihin, kung nasaktan kita, maaari mo akong bulagin?”
“Iyan ay nasa kung-kailangan-lang-malaman na batayan.”
“At kung maayos mo ang aking mga mata, at hindi ko sinabi kahit kanino ang tungkol sa iyo, aalis ka sa ating mga bukid?”
“Iyon ang pinaka-ubod nito!"