[...] “May alok ako.” Nakakuba ito na parang ang kaibigan kong si April kapag may gusto siyang sabihing sikreto, kahit na wala naman sa mga sikreto niyang iyon ang maganda. O wala naman talagang sikreto. “Kung hindi mo sasabihin sa kahit sino na narito ako, aayusin ko ang mga mata mo.”
“Hindi ako naniniwala sa iyo!”
Kumurap ito ng dalawang beses. “Iyan ang sinusubukan kong gawin.”
“Ang ibig kong sabihin ay hindi mo 'yan kayang gawin!”
“Bakit hindi?”
“Siyempre, walang ibang makakaayos sa mga mata ko, bukod sa salamin ko.”
“Mayroon akong ilang mga kakayahan. Makikita mo, basta…”
“…Wala akong pagsasabihan nang tungkol sa iyo?”
“Iyan ang pinakamahalaga, ang pangunahing bahagi ng isang bagay.”
“Paano ko malalaman kung hindi mo ako bubulagin? Baka para kang isa sa mga nangangakong telemarketer pero ubod ng sinungaling.”
Nagsimula itong lumanghap ng hangin mula sa ilong, at ibinuga ang hangin mula sa bibig. “Hindi ko gagawin ang bagay na iyan sa isang nilalang na walang ginawang masama sa akin.”
“Ibig sabihin, kapag sinaktan kita, puwede mo akong bulagin?”
“Depende iyan sa nais na malaman.”
“At kung maaayos mo ang mga mata ko, at hindi ko sasabihin sa iba ang tungkol sa iyo, makakaalis ka sa aming bukid?”
“Iyan ang pinakamahalaga dito!” [...]